Skip navigation

hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman,

alam kong matagal na ngunit heto na naman.

pero ngayong magkakalayo na ulit,

hindi ko alam ‘bat ‘di ko pa rin mabanggit.

 

linggo, halos isang buong araw na puno ng kwentuhan at tawanan,

at sa aking isip ay nagtatanong “bakit ikaw pa rin ang laman?”

miyerkules, nagkasama namang muli,

saya ng aking puso’y pilit ikinukubli.

 

ngunit kagaya ng lahat na kailangang mag wakas,

bakit hanggang ngayon di ko pa rin mailabas?

kagaya ng mga nagkukubling mga tala,

ang aking pagtingin at paghanga ko sayo’y hindi nawala.

 

 

dex

Advertisements

isnabero man kung kanilang iisipin,

pero isa lang itong paraan para damdami’y di mapansin.

wala man akong mapala sa pag kilos ko nang ganito,

kahit papano’y hindi ako malilito.

aburido sa tuwing kita’y nakikita,

sa kadahilanang nagugustuhan na kita.

saraduhan ko man ang aking mata ito’y balewala,

kung puso ko naman ikaw ang laging inaalala.

huwow bago!!!

— yan kadalasang sinasabi ng ibang tao kapag ikaw ay may bagong gamit, gadgets o kung ano mang pagaari mo na bago. mapabagong bili o bigay, basta bago sa mata ng iba, bago yan!

kagaya na lang ng aking bagong bili na pantalon (huwow bago!) na nung martes ko lang nabili. bago talaga to hindi dahil bagong bili, kundi bago to sa akin talaga, ang magsuot ng mas makitid pa sa regular straight cut na pantalon. oo, sa una parang fit talaga kung titignan, pero sa kinalaunan, aba, ayun nasanay na rin ang aking mata sa kakatingin sa salamin. nga pala wrangler ang tatak, isa pang bago para sa akin, unang wrangler jeans ko ito.

ang isa pang bago sa akin ay ang ‘no balance’ shirt ko. spoof ng ‘new balance’. sa the tshirt project ko binili sa trinoma. sayang nga eh, wala medium ng absenture (accenture). yun pa naman ang trip ko dati pa.

huwow bago!

dex

biyaya sa di inaasahang pagkakataon…

ang daming problema..career at personal..buti na lang may blessing in disguise..bagong kaibigan, kasabwat, kakwentuhan, kainuman (minsan lang!), kasabay sa merienda at hapunan kung minsan, kahiligan din sa musika, makulet, kabonding na din, at higit sa lahat, kayabangan ko sa makulit na paraan..

isang taga unibersidad ng pilipinas (ako po yung taga up,yabang oh!) at katulad kong inhinyero sibil (yabang ko din,hehe). naku malamang pag nabasa nya to sap0k ang aabutin ko dun, hahaha!

oist..psstt..yabang!! salamat ah, basta alam mo na yun. 🙂

-dex

anong dahilan?

bakit naging ganito?

sino ba siya?

sino ka ba?

ano nang plano?

lahat hindi ko alam..

“aray!” —yan ang isang salita na karamihan o halos lahat ng tao ay kanilang binibigkas pag natutumba sa isang lugar o nahuhulog sa isang tao.

kakaiba ang aray na naramdaman ko. wala pang alcohol pero mahapdi na. wala pang alak pero may tama na. wala pang drugs pero na adik na. ewan ko ba, naiinis na hindi maintindihan. dahil ba ito sa pagiging bitter ko. siguro nga. pero para sa akin hindi, kanya kanya naman tayo ng rason,kaya ako ang sasabihin ko, nagmamahal lang ako ng totoo pero hindi tama.

totoo at tama,hindi ba iisa lang ang kahulugan neto, pero sa kalagayan ko ngayon, ang laki ng pinagkaiba nila,sobra!

nakakahinayang lang, di alam sino dapat sisihin, siya, ako, yung nararamdaman, yung sitwasyon, o yung maling pagkakataon?

ang dami kong tanong noh?! pero ewan ko ba, ako din naman ang sasagot sa mga tanong kong to bandang huli.

basta,bahala na si batman! kung kayo,kayo talaga. naniniwala ako dyan.

kung magkikita kayo,magkikita kayo. pero iiwas ako.

ang sarap sumigaw.. ang sarap isigaw ang pangalan nya kasunod ang –mahal na mahal kita, punyeta ano ba?

parang kelan lang. tapos eto ako na lang…aray!

dex

balita ko’y may anak ka na, ngunit walang asawa..

tsktsktsk..wag sana mangyari yan sa mga kakilala kong babae..

nandito ako para magkwento ng kahit konti about sa the final set concert ng eraserheads..300,bronze, yan lang ang binili nami..malayo,screen na lang bumubuhay sa amin sa likod..pero tanungin mo ko kung nag enjoy ako..OO, nag enjoy ako..yung en joy na dun ko lang naramdaman..sabi pa nga sa nabasa kong comment sa multiply, “a lifetime hangover” daw.. tama,yun ang mararamdaman ng lahat ng nagpunta noong march 7, 2009. buddy, marcus, raimund, eli at ang mga kantang sinabayan namin, astig talaga! simula sa magasin, hanggang sa fine time at natapos sa toyang..lahat kumakanta..

dex

nagbalik na din ang isa sa mabait kong kaibigan galing japan..

woohooo,pasalubong ms.kat…

 

dex

mainit..maalinsangan..malagkit..mapawis..masilaw..’moy araw..

ilan lang sa mga salitang nagsisimula sa letrang M na may kaugnayan sa panahon natin ngayong Marso..teka, ano ba tagalog ng summer?

ahh..el niño na lang siguro..haha..adik..basta mainit..yun na yun..kaya nga eto,new haircut si dexxeddexxed..hehe..gusto mo matulog sa tanghali pero di pwede,mainit kase,pero s mga may aircon sa bahay,di problema sa kanila yan..ang isa pang masarap gawin ngayong summer ay syempre,tatanong pa ba yan,ang MAG OUTING..mag beach o kahit sa mga swimming pools lang..bsta mapawi ang init sa katawan..isa pa pla,ang kumain ng halo halo..yumyumyum..sarap nun..teka makabili nga mamaya sa labas..hehe..

shorts,white shirt,tsinelas,shades at kung ano pang laman ng bag..

tara,alis na tayo..oops,wag kalimutan ang sunblock..

 

dex

URBANDUB-the reason why “DUB is in the air” was astigcessfully done.

 

1. an invitation- from their latest album “under southern lights”

     don’t be afraid  ‘coz i’m here, meet me half-way i got you now..

2. a new tattoo-from the album “influence”

     i’ll bleed for you like a new tattoo in my heart you’ll stay permanent..

3. quite poetic-from the album “influence”

    quite poetic,her body breeaks in to rhyme. quite poetic her moves says it all..

4. no ordinary love-a revival from sade’s original

     keep crying for you,keep trying for you,keep flying for you,keep flying,im falling..im falling..

5. cebuana-from their latest album “under southern lights”

     under southern lights the mood is right,we move in closer together,your lips press tight against mine,stay with me..

6. evidence-from their latest album “under southern lights”

     time has a way of healing,so they say,so why am i still left here crying..

7. the fight is over-from their latest album “under southern lights”

     gave all this time still we couldn’t last..

8. first of summer-from the album “embrace”

     woo oohh oohh ohh..woo oohh oohh ohh..

 

a night to remember..

 

dex